D A7 D
1.Liwanag ng aming puso, sa ami’y
F# G-B7-Em
manahan Ka. Ang init ng ‘Yong
A7 E7 A7
biyaya, sa amin ipadama.
D A7 D
Patnubay ng mahihirap, O aming
D7 G-B7 Em G Gm
pag-asa’t gabay. Sa aming saya
D B7 Em A7D-A7
at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya.
2. Liwanag ng kaaliwan, sa ami’y
dumalaw ka. Kalinga Mo ang
takbuhan noong unang-una pa
Pawiin ang aming pagod, ang
pasani’y pagaanin. Minamahal
kong kandungan, sa hapis kami
hanguin.
3. Liwanag ng kabanalan, sa
ami’y mamuhay Ka. Ang
ningas ng ‘Yong pag-ibig ang
s’yang magsilbing gabay. Pag
nalayo Ka sa amin, ang tao’y
walang halaga. Di namin
makakayanang hanguin ang
kaluluwa.
4. Liwanag ng bagong buhay, sa
ami’y umakay ka. Linisin ang
aming sugat, ang diwa’y
bigyang sigla. Akitin Mo ang
palalo, damayan ang naliligaw.
Ituro Mo ang landasin patungo
sa aming tanglaw.
5. Liwanag ng aming puso, sa ami’y
manahan Ka. Idulot Mo po sa
amin ang kapayapaang wagas. Ang
‘Yong gantimpala’t mana, pangako
Mong kasarinlan ang bunga sa
pagkandili, ligaya magpakailanman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento