C G
Koro: Ang puso ko’y nagpupuri.
G7 C-C7
nagpupuri sa Panginoon,
F
nagagalak ang aking
Am Dm G7 C
espiritu sa ‘king tagapagligtas.
C G7 C F
1. Sapagkat nilingap N’ya kababaan
F C F
ng Kanyang alipin; mapalad ang
G Dm G C G7
pangalan ko sa lahat ng mga bansa. (K)
2. Sapagkat gumawa ang Poon, ng mga
dakilang bagay. Banal sa lupa’t langit
ang Pangalan ng Panginoon. (K)
3. At kinahahabagan N’ya ang mga sa
Kanya’y may takot. At sa lahat ng
salinlahi ang awa N’ya’y walang
hanggan. (K)
4. At ipinakita N’ya ang lakas ng
Kanyang bisig; at ang mga palalo’y
pinangalat ng Panginoon. (K)
5. Ibinulid sa upuan ang mga makapang-
yarihan, itinampok, itinaas ang mg
mababang loob. (K)
6. At Kanya naming binusog ang mga
nangagugutom, pinaalis walang dala
ang mayamang mapagmataas. (K)
7. Inampon N’ya ang Israel na Kanyang
aliping hinirang, sa dakila N’yang
pagmamahal at dala ng laking awa
N’ya. (K)
8. Ayon sa ipinangako Nya sa ating mga
magulang; Kay Abraham at lipi
N’ya at ito’y sa magpakailanman.
(K)
9. Luwalhati sa Ama, sa Anak at
Espiritu Santo. Kapara noong
unang una, ngayon at
magpakailanman.
Finale: Ang puso ko’y nagpupuri
nagpupuri sa Panginoon.
Ang puso ko’y nagpupuri
sa tagapagligtas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento