Music and lyrics by: Charlie Cenzon, SJ
Ang sino mang sa Aki'y mananahan Mananahan din Ako sa kanya. At kung siya'y mamunga nang masagana, Siya sa Ama'y nagbigay ng karangalan. Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay; Walang hihigit sa yaring pag-aalay. Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama, Sa inyo'y Aking ipinadarama. Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan, At bilin Ko sa inyo ay magmahalan. Pinili ka't hinirang upang mahalin Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin. Humayo ka't mamunga nang masagana, Kagalakang walang hanggang ipamamana
Pagkakaibigan
Intro: Dm-Gm-A7-Dm-A7 Dm Gm A7 Hain man ang kahingpitan? Hain Dm ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento